--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinagulat ni dating Mayor Jaime Atayde ng Luna, Isabela ang pagkakahuli ng isang miyembro ng Sangguniang Bayan dahil sa pagbebenta umano ng baril.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni dating Mayor Atayde na unang pagkakataon ito na may malaman silang ganitong impormasyon kaugnay kay SB member Bayani Agustin kaya labis silang nagulat.

Huling termino na rin niya ito kaya nagtataka sila kung bakit niya ito nagawa.

Gayunman ay malakas aniya ang ebidensya lalo na at sa entrapment operation siya nahuli.

--Ads--

Ayon pa kay dating Mayor Atayde, nakausap na niya si SB member Bayani Agustin at humihingi ng tulong.

Payo naman nito sa lahat na maging maingat sa lahat ng ginagawa para hindi mahalintulad sa ganitong pangyayari.

Tinig ni dating Mayor Jaime Atayde.