--Ads--

Pormal nang pinalalalim ng Pilipinas at Japan ang kanilang defense cooperation kasunod ng ministerial meeting sa Makati City.

Nilagdaan nina DND Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Japanese Defense Minister Shinjiro Koizumi ang kasunduan na naglalayong palawakin ang kooperasyon sa defense equipment at teknolohiya, kabilang ang pagtalakay sa posibleng paglipat ng Abukuma-class destroyers at TC-90 patrol aircraft sa Pilipinas.

Bubuo rin ng bilateral working group para sa negosasyon at koordinasyon sa polisiya, operasyon, at teknikal na aspeto.

Ayon sa Japan, layunin nito ang mas malawak na equipment cooperation kabilang ang training, maintenance, at information sharing, habang binigyang-diin ang pagpapalakas ng regional security sa Indo-Pacific.

--Ads--

Sinusuportahan naman ng Pilipinas ang hakbang bilang bahagi ng pagpapalakas ng interoperability at rules-based order sa rehiyon.

Kasabay nito, nagpapatuloy ang malalim na defense exercises ng dalawang bansa sa ilalim ng Balikatan drills.