--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasira ang ginawang detour sa Alicaocao Overflow Bridge kasabay ng pagtaas ng antas ng tubig sa kasagsayan ng pananalasa ng Bagyong Enteng , dahil dito ay pansamantala ay hindi ito pwedeng daanan ng kahit anong uri ng sasakyan.

Sa panayam ng  Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na hindi pa pwedeng ayusin ang detour dahil malaki pa ang antas ng tubig at hindi maka pwesto ang equipment na gagamitin.

Bukod dito ay natanggal din ang mga iron plate na ginamit kung saan kinakailangan pa itong i recover muli.

Pansamantala ay hindi muna pwedeng tumawid maging ang mga single na motor dahil nasa drying stage palamang aniya ang simento ng approach.

--Ads--

Posible aniya na bubuksan na sa Lunes ang nasabing approach ng tulay kung tuloy tuloy ang magandang panahon.

Sa ngayon ay nakikiusap na lamang aniya sila sa mga residente na maglaan ng konting pasensya kung magtutungo o tatawid sa tulay dahil ang mga motor ay hindi pa tuluyang makatatawid.