--Ads--

Nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na amyendahan ang batas upang muling gawing non-bailable offense ang illegal possession of firearms kasunod ng pinakahuling insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City.

Ayon kay Remulla, naging daan umano ang Republic Act 8294 o mas kilala bilang “Robin Padilla Law”, na nagbago sa mga parusa para sa illegal possession of firearms, sa pagdami ng mga krimeng may kaugnayan sa paggamit ng baril.

Giit ng kalihim, mahalagang higpitan muli ang batas laban sa mga iligal na armas upang makatulong sa pagpigil sa karahasan at mapalakas ang seguridad ng publiko.

Ang panawagan ni Remulla ay kasunod ng pag-aalala ng pamahalaan sa mga insidenteng may kinalaman sa paggamit ng baril, kabilang ang naganap na pamamaril sa loob ng paaralan sa Zamboanga City.

--Ads--