--Ads--

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang programang “PuroKalusugan” na naglalayong magbigay ng serbisyong medikal sa mga tsuper, magsasaka, at barangay health workers.

Isinagawa ito sa tanggapan ng DOH sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, kung saan target mabigyan ng tulong ang hindi bababa sa 250 benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor.

Kabilang sa mga nakinabang ang mga jeepney driver na miyembro ng Parang Masda, Altodap, at Manibela, pati na rin ang mga tricycle driver, magsasaka mula Nueva Vizcaya, at mga barangay health workers sa Maynila.

Nag-alok ang DOH ng libreng check-up, PhilHealth registration, dental services, at TB at HIV screening.

--Ads--

Bukod dito, tumanggap din ang mga benepisyaryo ng isang sako ng bigas, groceries, at mga gulay bilang karagdagang suporta mula sa ahensya.