--Ads--

Nagbigay ng paliwanag ang DSWD Region 2, kaugnay sa door to door payout sa mga bedridden na social pensioner.

May mga nagpaabot kasi ng reklamo kaugnay rito kung saan ayon sa kanila, kung pwede sana ay magkaroon na lamang ng representative ang mga bedridden pensioners na kukuha ng kanilang payout.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Reymar Olibas, tagapagsalita ng DSWD Region 2, sinabi niya na pwede namang gawin ito ng DSWD ngunit dalawang beses lamang at ang mga susunod na payout ay door to door na ang pagbibigay ng tanggapan.

Patuloy naman ang kanilang pamamahagi ng pension kung saan nasa labingwalong LGUs na ang kanilang napupuntahan para ibigay ang ayuda ng mga senior citizen ngayong 1st quarter ng 2025.

--Ads--

Ibig sabihin nito ay mula January February at March ang matatanggap na payout ng mga social pensioner.

Target nilang matapos ang pamamahagi sa buwan din mismo ng Marso para pagkatapos nito ay magsisimula na muli sila sa pamamahagi para sa 2nd quarter.

Umabot naman sa 55,786 na social pensioner  at aabot sa P167,358,000 ang halaga ng social pension na kanilang naipamahagi.