Maglalabas ng pahayag ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay ng inaasahang pagtaas ng presyo ng ilang pagkain dulot ng mataas na presyo ng langis.
Ito ang ipinaliwanag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos ianunsyo ng Philippine Amalgamated Supermarket Association na posibleng tumaas ang presyo ng mga produktong tulad ng noodles, canned goods, at bottled water.
Sinabi ni Castro na tutugon si DTI Secretary Cristina Roque sa isyu upang ipaliwanag ang mga hakbang ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Nauna nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi agad magtataas ng presyo ang mga supermarket at manufacturer, habang patuloy na binabantayan ng gobyerno ang supply at presyo ng mga pangunahing bilihin.











