--Ads--

CAUAYAN CITY – Mas mataas ang employment rate sa Region 2 kung ihahambing sa ibang rehiyon at sa national average.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Chester Trinidad, information officer ng DOLE Region 2 na patuloy ang kanilang pagsisikap para mapataas pa ang employment rate sa ikalawang rehiyon.

Dahil dito ay titiyakin nila na sa isasagawang job fair sa araw ng paggawa sa unang araw ng Mayo, 2023 ay mahire on the spot ang target nila na 10% sa mga sasali.

Maglalabas sila ng job openings lalo na ang requirements ng mga lalahok na kompanya para makapaghanda ang mga naghahanap ng trabaho bago sila pumunta.

--Ads--

Magkakaroon din ng Labor Education Seminar at employment coaching sa April 18-25 sa pamamagitan ng online.

Hinggil sa contractualization sinabi ni Trinidad na walang problema basta  sumusunod ang mga employer sa labor code at panuntunan sa contractualization.

Regular na nagsasagawa ng inspection ang DOLE para malaman kung  ibinibigay ng mga employer ang benepisyo ng mga manggagawa.

Tinig ni Chester Trinidad, information officer ng DOLE Region 2.