--Ads--
Posibleng humarap nang personal si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC ngayong araw para sa ikatlong status conference ng kanyang crimes against humanity case.
Gaganapin ang pagdinig mamayang alas-4:30 ng hapon, oras sa Pilipinas, kung saan tatalakayin ang mga testigo at ebidensya ng prosekusyon, mga isiniwalat sa depensa, at iskedyul ng paglilitis.
Nakatakda namang magsimula sa Nobyembre 30 ang paglilitis, subject sa desisyon ng ICC sa kanyang fitness to stand trial.











