--Ads--

Umabot sa $897 milyon ang net inflow ng foreign direct investments (FDIs) sa Pilipinas noong Nobyembre 2025,  dahil sa mas mataas na equity capital placements at paglago ng investment sa debt instruments, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Mas mataas ito kumpara sa $642 milyon noong Oktubre, ngunit bahagyang mababa sa $900 milyon noong parehong buwan noong 2024.

Ayon sa BSP, kasama sa datos ang investments ng nonresident direct investors sa mga Philippine enterprises na may equity capital na hindi bababa sa 10%, pati na rin investments ng nonresident subsidiaries o associates sa kanilang local direct investors.

Tumaas ang equity capital placements sa $122 milyon mula $117 milyon, habang bumaba ang reinvestment of earnings sa $64 milyon mula $88 milyon. Ang net debt instruments naman ay lumago sa $711 milyon mula $437 milyon.

--Ads--