--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyang diin ng pamunuan ng Federation of Free Farmers’ Cooperative na trabaho ng National Food Authority (NFA) na mag-imbak ng bigas at labag sa batas ang pagmumungkahi ng rice importation.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni dating DA Secretary Leonardo Montemayor, Chairman of the board ng Federation of Free Farmers Cooperative na ikinabigla nila ang mungkahi ng NFA na mag-import ng 330,000 metric tons ng bigas bilang buffer stock ng bansa.

Aniya sa ilalim ng kasalukuyang rice tarrification law of 2019 ang papel ng NFA ay limitado lamang sa pagbili ng palay ng mga magsasaka upang magkaroon ng buffer stock o rice reserve na maaring magamit sa panahon ng kalamidad.

Bawal aniya sa NFA na magmungkahi ng pagbili ng pag-import ng bigas.

--Ads--

Maaring ang dahilan ng pagmungkahi ng rice importation ay ang lumiit na  reserba ng pagkain na nasa kamay ng NFA kaya mahalaga ang pag-imbak ng bigas dahil kapag tumama ang bagyo o kalimidad ay kailangan ang bigas ng NFA na ibabahagi sa mga naapektuhan ng kamalidad.

Mahalaga anya ang pagmintina ng buffer stock ng NFA sa loob ng 30 araw.

Mungkahi niya na ang madaling solusyon para makapag-imbak ang NFA ng bigas ay sa pamamagitan ng pagtaas pa ng kanilang pagbili ng palay mula sa   P19 per kilo dahil ang bili ng private trader ay P21 hanggang P24 ang kada kilo ng tuyong palay.

Sa ngayon ay sapat ang aning palay ng mga magsasaka kaya walang dahilan para bumili o umangkat ng bigas sa ibang bansa.