--Ads--
Tampok ang Filipina singer na si Gwyn Dorado sa official soundtrack ng patok na Korean drama na “My Royal Nemesis.”
Si Dorado ang boses sa kantang “Losing My Heart,” isang Korean ballad na inilabas noong Mayo 23, kasabay ng pagpapalabas ng ikaanim na episode ng serye.
Ang naturang awitin ay isinulat at binuo nina Park Sung-il, Seo Dong-sung, at Uncle Sam.
Sa kuwento ng “My Royal Nemesis,” tampok sina Lim Ji-yeon bilang royal concubine mula Joseon era na napunta sa modernong panahon, at Heo Nam-jun bilang isang chaebol heir.
--Ads--
Si Gwyn Dorado ay nakilala rin matapos magtapos bilang 2nd runner-up sa Korean talent show na “Sing Again” Season 4, kung saan siya ang nag-iisang foreign finalist.









