--Ads--

Nailipat na sa regular na detention cell si Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag mismo ni Vice President Sara Duterte na nakalabas na sa pagamutan na nasa loob na pasilidad ng International Criminal Court (ICC) ang dating Pangulo.

Aniya bagamat nakalabas na ay may access parin ang dating Pangulo sa mga nurse at Doktor.

Isa sa binabantayan ngayon ang blood sugar ni dating Pangulong Duterte.

--Ads--

Nakatakdang dumating naman ang Ina ni VP Sara sa ICC para bisitahin ang dating pangulo.