--Ads--

Nagpakitang-gilas ang Netherlands matapos tambakan ang Sweden, 5-1, sa kanilang Group F match sa FIFA World Cup 2026 na ginanap sa Houston Stadium noong Sabado.

Pinangunahan nina Brian Brobbey at Cody Gakpo ang matinding opensiba ng Dutch squad matapos silang parehong makaiskor ng tigalawang goal. Nagdagdag naman si Crysencio Summerville ng isa pang goal upang tuluyang ibaon ang Sweden sa malaking pagkatalo.

Nakabawi ang Sweden sa pamamagitan ng isang goal mula kay Anthony Elanga sa ikalawang bahagi ng laban, ngunit hindi ito naging sapat upang mapigilan ang rumaragasang Netherlands.

Matapos ang kanilang 2-2 tabla laban sa Japan sa unang laro, nakabalik sa porma ang koponan ni coach Ronald Koeman sa pamamagitan ng dominanteng panalo na naglagay sa kanila sa magandang posisyon para umabante sa susunod na yugto ng torneo.

--Ads--

Samantala, nabigo ang Sweden na mapanatili ang momentum mula sa kanilang 5-1 panalo laban sa Tunisia sa opening match. Sa kabila ng ilang pagkakataong makaiskor, hindi nila napigilan ang matinding atake ng Netherlands.

Dahil sa resulta, nanguna ang Netherlands sa Group F na may apat na puntos, habang nanatili sa tatlong puntos ang Sweden bago ang kanilang huling laban sa group stage.