Umabot na sa 372,517 katao o 80,756 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Kiyapo (Noul), ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa pinakahuling ulat ng ahensya, 6,441 indibidwal o 1,538 pamilya ang nananatili sa 27 evacuation centers. Tatlo naman ang naiulat na nasawi sa Davao at Sarangani habang isa ang nawawala sa Sarangani.
Ayon sa NDRRMC, umabot sa 678 bahay ang napinsala, kabilang ang 247 na nawasak at 431 na bahagyang nasira.
Naglaan na rin ang pamahalaan ng mahigit ₱20.2 milyon na ayuda para sa mga apektadong residente.
Bagama’t nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Kiyapo noong Sabado, nagdulot ito ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Mindanao at Northern Luzon.










