--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot sa anim na libo pitumpu’t walong personnel ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd Isabela ang nakatakdang italaga o magsilbing COMELEC server sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa susunod na linggo.

Binubuo ito ng  Electoral Board o Canvasers, Monitoring, Supervisory, Election Task Force, Volunteer groups, at Watchers.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Schools division Superintendent Dr. Rachel Llana ng SDO Isabela sinabi niya na halos isang linggo bago ang halalan ay handa na ang bawat silid aralan sa bawat paaralan sa lalawigan.

Sa ngayon ay bibigyang daan muna nila ngayong linggo ang mga isinasagawang periodical test bago ang final preparation ng mga eskwelahan na magsisilbing voting and cluster precint sa halalan.

--Ads--

Samantala, nakatanggap na ang SDO SIabela ng dalawampu’t isang liham na mula sa mga guro na nagwithdraw ng kanilang serbisyo ngayong halalan dahil may mga kamag anak silang kandidato.

Sinabi pa ni Dr. Llana na bilang paghahanda sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections ay una na silang nagsagawa ng adjustment sa mga klase pagpasok pa lamang ng buwan ng Oktubre dahil aasahan ang long weekend ngayong halalan kasabay ng padiriwang ng Undas kaya naman muling gagamitin ang blended learning modality.

Muli naman siyang napaalaala sa bawat DepEd Personnel na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya para sa isang kandidato kamag anak man o hindi dahil ang kawagaran ay non-partisan at pinapanatili ang impartiality ng kanilang mga Guro.

Ang mga gurong mapapatunayang nakilahok sa pangangampaniya ay mahaharap sa kasong electioneering.