--Ads--

Naglabas ng bagong panuntunan ang Registry ng International Criminal Court (ICC) para sa nakatakdang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang kampanya kontra ilegal na droga.

Kabilang sa mga rekomendasyon ng ICC Registry ang pag-aatas sa mga partido at kalahok sa kaso na malinaw na tukuyin ang mga bahagi ng transcript na nais nilang ipa-redact o itago sa publiko.

Magugunitang sa unang status conference noong Mayo 27, sinabi ni Trial Chamber III Presiding Judge Joanna Korner na magsasagawa ang korte ng panibagong pagsusuri sa kalusugan ng dating pangulo upang matukoy kung siya ay may kakayahang humarap sa paglilitis.

Nakatakdang magsimula ang paglilitis ni Duterte sa Nobyembre 30, 2026.

--Ads--

Magkakaroon din ng dalawa pang status conferences ang ICC sa Hunyo 23 at Hulyo 14 bilang bahagi ng paghahanda para sa papalapit na trial.