CAUAYAN CITY – Muling isinailalim ang ilang barangay at purok sa localized lockdown dahil sa mga bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Isinara ang mga exit at entrance points ng mga apektadong barangay at purok upang malimitahan ang paggalaw ng mga mamamayan.
Naidagdag na isinailalim sa localized lockdown ang barangay Guinatan, Cabiseria 10, Purok 7, Alibagu; Purok 2, San Vicente at Purok 7, Osmeña.
Ipinatupad ang localized lockdown kahapon ng gabi at magtatagal hanggang sa ika-21 ng Oktubre 2020 para sa isasagawang contact tracing.
Mahigpit ang pagbabantay sa mga inilatag na checkpoint ng mga opisyal ng barangay katuwang ang mga kasapi ng City Inter-Agency Task Force (CIATF).
Umabot na sa 20 barangay ang isinailalim ng CIATF sa localized lockdown sa Lunsod ng Ilagan upang mahadlangan ang pagkalat ng virus.
Ang hakbang ng pamahalaang lunsod ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lunsod ng Ilagan.












