Ilang indibidwal ang napaulat na biktima ng food poisoning ngayong holiday season.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo ng City Health Officer sinabi niya na napaulat ang ilang tao na nagduduwal matapos umanong kumain ng spaghetti.
Batay sa kanilang pagsusuri at batay sa resulta na rin ng examination napag alaman na ang naturang mga indibiduwal ay biktima ng food poisoning.
Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang lahat ng pasyente at wala naman aniyang naitalang malalang komplikasyon.
Ayon sa mga pasyente na may niluto umano silang spaghetti para sa isang christmas party kung saan hinihinalang panis na ng kanilang makain na naging sanhi ng kanilang pagduduwal at panghihina ng ilan.
Paalala niya ngayon sa mga dumadalo sa mga kainan o pagtitipon na tiyaking malinis ang kanilang kinakain.
Para sa mga naghahanda naman ng pagkain tiyaking maluluto ng husto ang kanilang mga putahe gayundin na huwag munang takpan ang pagkain kung ito ay bagong luto pa lamang upang maiwasan na masira o mapanis.











