--Ads--
Ilang pamilya ang piniling ipagdiwang ang kapaskuhan sa Sementeryo upang makasama o mabisita ang kanilang mga yumaong Mahal sa Buhay.
Sa pagiikot ng Bombo Radyo Cauayan ay umagaw ng pansin ang mag-asawa na nasa sementeryo kahit araw ng pasko.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Jennilyn Mattalog Cadeliña sinabi niya na napili nila ngayon na magtungo sa puntod ng kanilang anak para ipagdiwang ang kapaskuhan na siyang nagpapaalala ng Kapanganakan ni Jesu kristo.
Sinabi nito na pinili nilang dito nila ipagdiwang ang kapaskuhan dahil pumanaw man ang kanilang kauna unahang anak, ito rin ang kauna unahang pasko ng kanilang anak na si Azaria at gusto aniya nilang iparamdam ang saya ng pasko na sila ay Sama sama.
--Ads--











