--Ads--
Kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug na tuloy pa rin ang impeachment trial sa Hulyo 6, 2026, ayon sa naunang napagkasunduan ng mga senador bago ang kamakailang tensyon sa Senado.
Ayon kay Bantug, walang pagbabago sa iskedyul ng paglilitis.
Nagsumite na rin kahapon ang defense at prosecution panels ng kani-kanilang pre-trial briefs sa kanyang tanggapan.
Dagdag pa niya, nakatakda ang pre-trial conference sa Huwebes, Hunyo 18, alas-9 ng umaga, ngunit hindi pa tiyak kung gaano ito katagal.
--Ads--
Nilinaw rin ni Bantug na hindi obligadong dumalo ang mga senador sa pre-trial, at ang mga kinatawan lamang ng magkabilang panig, mga abogado ng depensa at prosekusyon, ang inaasahang dadalo.











