Bumagsak muli ang lokal na stock market dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.
Ang PSEi ay humina ng 2.13% o 137.54 points at nagtapos sa 6,307.84, habang ang All Shares index ay bumagsak ng 2.03% o 72.09 points sa 3,485.62.
Ayon kay RCBC chief economist Michael Ricafort, naapektuhan ang merkado dahil sa pangamba na maaaring magdulot ng panibagong inflation ang digmaan sa Iran. Nakaapekto rin ang paghina ng piso, na bumaba sa P58 and 60 centavos laban sa dolyar.
Lahat ng sektor ay nasa pulang marka, pinakamatindi sa mining at oil na bumagsak ng 6.37%, kasunod ang financials, industrial, holding firms, at property.
Pinaka-aktibo naman ang ICTSI na tumaas ng 0.85%, samantalang bumagsak ang BDO Unibank at DigiPlus ng 4.47% at 8.33%.
Sa Asya, bumagsak din ang merkado dahil sa panic selling ng investors na nangangamba sa epekto ng digmaan sa Iran sa inflation at ekonomiya.











