--Ads--

Bumagsak sa negative territory ang business sentiment sa Pilipinas sa unang quarter ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, dahil sa pangamba sa tumitinding tensyon sa Middle East at posibleng pagtaas ng presyo ng langis.

Sa Business Expectations Survey, bumagsak ang confidence index sa -24.3% noong Marso mula sa 8.2% noong Pebrero. Ibig sabihin, mas marami na ang mga negosyong pesimista kaysa optimistiko.

Apektado rin ang outlook para sa susunod na mga buwan, habang inaasahan ng mga kumpanya ang posibleng pagtaas ng inflation at paghina ng purchasing power ng mga Pilipino.

Bumaba rin ang kumpiyansa ng mga konsyumer, na patuloy na nababahala sa inflation at isyu ng korapsyon, na nakikitang nakakaapekto sa kalidad ng serbisyong publiko.

--Ads--