--Ads--

CAUAYAN CITY- Pauwi na sana sa kanilang bahay sa Brgy. Manaoag Cauayan City Isabela ang isang Ginang kasama ang dalawa pang lulan ng tricycle na sinasakyan nito nang mabangga ng isang forward truck sa palikong kalsada sa Brgy. Mabantad, Cauayan City Isabela

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinatahak ng tricycle ang daan patungong Forest Region habang patungong Poblacion naman ang Forward Truck

Nang marating ang kurbang bahagi ng kalsada sa Brgy. Mabantad Cauayan City Isabela, dito na nangyari ang banggaan

Ayon sa mga awtoridad, pumasok sa linya ng Tricycle and Forward Truck dahilan para mabangga nito ang kasalubong na sasakyan

--Ads--

Lumalabas din sa imbestigasyon na sinubukan pang umiwas ng tricycle subalit huli na ang lahat kaya’t left side na bahagi ng sasakyan ang nawasak.

Nagtamo ng mga injury ang tatlong pasahero at driver ng tricycle na agad itinakbo sa ospital

Dito idineklarang dead on arrival ang isang ginang na lulan ng tricycle habang ginamot naman ang dalawa pang pasahero at driver nito

Samantala, agad na dinala sa Cauayan City Police Station ang driver ng forward truck

Sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Multiple Physical Injuries and Damage to Property and drayber ng forward truck

Sinubukan din ng Bombo Cauayan na kunan ng pahayag ang driver ng ngunit 0tumanggi muna itong magbigay ng pahayag hinggil sa aksidente