--Ads--

CAUAYAN CITY – Planong paigtingin ng Isabela Anti-Crime Taskforce ang “No Helmet, No ride” policy sa lungsod ng Cauayan matapos dumami ang mga naitalang nasawi dahil sa kakulangan sa proteksyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IACTF Chairman, Ysmael Atienza Sr., sinabi niya na Enero ngayong taon nang ipatupad niya ang polisiya at nagpaskil din sila ng mga signage sa daan upang magbigay paalala sa mga motorista.

Aminado naman siya na hindi naging matagumpay ang pagpapaalala nila dahil umabot na sa 163 Ang bilang ng mga naaksidenteng walang suot na helmet at 15 na ang naitalang nasawi sa lungsod

Dagdag pa nito, karamihan sa mga reckless driver ay may hawak na professional license ngunit hindi marunong sumunod sa batas trapiko.

--Ads--

Dapat aniya na mas maghigpit din ang Land Transportation Office (LTO) sa pag isyu ng lisensya dahil hindi na marunong sumunod sa batas Ang mga driver.

Gayundin ang Public Order and Safety Division (POSD), dapat aniya na tutukan Ang panghuhuli sa mga walang suot na helmet umaga man o gabi.