--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanindigan si Isabela Gov Rodito Albano na walang idedeklarang holiday kasabay nang pagdiriwang ng Bambanti Festival 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Rodito Albano, sinabi niya na walang holiday sa pagdiriwang ng Bambanti Festival dahil tanging ang pangulo lamang ang pwedeng magdeklara ng holiday kahit sa lokal dahil maaring magdemanda ang mga bangko.

Ayon kay Gov. Albano maging sa Isabela Day ay kailangan ding humingi ng clearance sa pangulo para sa deklarasyon ng non-working day o holiday.

Aniya hindi rin aniya maaring magdeklara ng holiday ang mga lokal na opisyal ng mga bayan at lunsod dahil wala ito sa batas.

--Ads--

Kailangan din aniyang maghabol ng pamahalaang panlalawigan sa mga dapat gawin dahil ilang taon ding natigil ang ilang programa at proyekto nito sa pananalasa ng Covid 19 pandemic.

Iginiit ni Gov. Albano na afterwork activities namang maituturing ang Bambanti Festival kaya hindi kailangan ng pagdedeklara ng holiday dahil pwedeng magtungo pagkatapos ng trabaho.