--Ads--

Nagpaabot ng pakikiramay si Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III sa pamilya, mga kaibigan, mga kasamahan at mga kababayan ni Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua, na pumanaw nitong Martes ng gabi, Setyembre 15.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Albano, sinabi niyang malaking kawalan para sa lalawigan ng Quirino ang pagpanaw ni Gov. Cua, na inilarawan niya bilang isang mabait, masipag, matalino at mahusay mag-isip na lider.

Ayon kay Gov. Albano, malaki ang naging ambag ni Gov. Cua sa pag-unlad ng Quirino sa pamamagitan ng mga proyekto at programang ipinatupad nito sa lalawigan.

Ibinahagi rin ni Gov. Albano na maganda ang naging samahan nila ni Gov. Cua sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad.

--Ads--

Nagpasalamat naman siya dahil nabigyan ang Quirino ng isang batang lider na mahusay at tapat na nagsilbi sa kanilang mga kababayan.

Ipinapaabot ni Gov. Albano, gayundin ng buong Cagayan Valley, ang pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, mga kasamahan at mga kababayan ni Gov. Dax Cua.