--Ads--

CAUAYAN CITY – Napabilang ang Isabela State University o ISU sa mga top performing school sa Pilipinas sa larangan ng Civil Engineering Licensure Examination.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Ricmar Aquino, presidente ng ISU System na natutuwa dahil ang dalawang campus ng ISU na kinabibilangan ng Ilagan at Echague ay nakasama sa top 20 best Engineering Schools sa buong Pilipinas na nasa pang-12 at 15 na rank habang Number 1 naman sa Region 2.

Maganda aniya ang passing percentage na bunga ng magandang kalidad ng edukasyon sa unibersidad.

Ayon kay Dr. Aquino, mahigpit ang pagpapatupad nila ng kanilang polisiya at mission at matindi ang standard na kanilang ipinapatupad.

--Ads--

Kabilang na rito ang pagtanggap sa mga estudyante na dapat ay makikita talaga kung sino ang may potential na maging tagumpay sa kanilang program na civil engineering.

Bukod dito ay ang sipag at estratehiya ng kanilang mga faculty members partikular sa college and engineering.

Ayon pa sa kanya, bago umangat sa mas mataas na year level ang mga engineering student sa ISU ay nagkakaroon muna ng evaluation para makita kung talagang handa na sila at kung hindi pa ay kailangan nilang manatili o ulitin ang mga subjects na kailangan nilang mapag-aralang mabuti.

Sinabi ni Dr. Aquino na ang tagumpay na ito ng ISU ay nagpapakita na ang kalidad ng edukasyon sa unibersidad ay hindi na rin matatawaran at magsisilbi rin itong promotional aspect ng Isabela State University.