Nagagalak si Vice Governor Bojie Dy dahil sa kakaiba at kamangha-manghang booth na natampok ngayong Bambanti 2024.
Kung matatandaan, pinangunahan ni Vice Governor Dy ang ribbon cutting sa kick off ng Bambanti 2024 kung saan sinimulan niya ang pagiikot sa iba’t ibang booth at giant scarecrow kung saan maraming mga Local Government Units ang pakita ng angking kagalingan dahil sa kakaibang tema.
Sa ngayon mananatiling highlight sa Bambanti 2024 ang street dance competition kaya naman inaasahan na ng mga opisyal ng lalawigan ang magandang koordinasyon para sa naturang event.
Hands on naman ang lahat ng mga law enfrocement agency ng lalawigan para sa pagsisiguro sa seguridd ng mga nakiisa sa Bambanti Festival.
Tiniyak naman ni vice Governor Dy na makakatulong sa mananalong LGU ang maipagkakaloob na infrastructure project.
Ang matagumpay aniyang paglulunsad ng Bambanti Festival ay dahil sa magandang koordinasyon ng mga organizers na siyang nakatoka sa bawat event gayun na din ang bawat improvement na kanilang ginagawa taon taon para mas mapaganda ang Bambanti Festival.











