CAUAYAN CITY – Ibinahagi ng isang published author ang kanyang mga naging karanasan bago siya nakapagpublished ng sarili niyang libro.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Michelle Leisibach, isang published author na nagsimula siyang magsulat noong nasa elementarya siya at ang unang sinulat niya ay horror story at pinamagatan niyang manika.
Aniya, hindi siya lumaki sa pamilyang mahilig sa pagsusulat pero ang naging inspirasyon niya ay ang kanyang lola na mahilig sa pagkukwento.
Naengganyo siyang gumawa ng sarili niyang kwento hanggang sa isinulat niya ito.
Mahilig siya sa mga horror stories, paranormal, crime stories.
Ayon kay Leisibach, hindi niya pinangarap na magkaroon ng sariling libro o manunulat dahil ang maging doktor ang kanyang pangarap noon subalit nang mag-eenrol na sa kolehiyo ay kumuha siya ng masscommunication.
Sa unang taon niya sa kolehiyo ay sumali siya sa short writing contest at nanalo siya bilang first runner up at mula noon ay nangarap na siyang maging writer.
Sa ngayon ay nakapagpublish na siya ng libro na ang pamagat ay He She and A Cap of history.
Pira-pirasong kwento ito ng iba’t ibang tao at ang naging inspirasyon niya ay pain o pighati dahil para sa kanya ay mas makakarelate ang writer kapag buhos ang kanyang emosyon.
Sa ngayon ay may bago ulit siyang libro na ang pamagat ay The star who cannot shine na isang children story.
Isinumite na niya ito sa United Kingdom at natanggap sa dalawang publisher pero ang problema ay kailangan ng pera kaya tinanggihan na niya.
Payo niya sa lahat ng mga gustong maging author na dapat magkaroon ng mahabang pasensya.
Tatagan ang loob, magkaroon ng plano at huwag ding tumigil sa pagpapadala ng mga sinusulat sa mga publishers.











