--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilooban ng mga armadong kalalakihan ang isang establisyimento sa Dagupan West, Tabuk City, Kalinga at natangay ang malaking halaga ng pera at mga cellphone.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMSgt. Prudencio Atas, Public Information Officer ng Tabuk City Police Station sinabi niya na nilooban ng mga armadong lalaki ang opisina ng ASA Philippines at natangay ang perang nagkakahalaga ng P57,700 at anim na cellphone.

Ayon kay PMsgt. Atas nasa tagong lugar ang opisina at wala ring security guard kaya maaring namanmanan ng mga pinaghihinalaan ang galaw ng mga tao sa nasabing opisina bago isagawa ang panghoholdap.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, alas sais kwarentay singko ng hapon nang pumasok sa nasabing opisina ang mga armadong lalaki at nagdeklara ng holdap saka pinadapa ang limang empleyado.

--Ads--

Agad na kinuha ng mga armadong lalaki ang cash at anim na cellphone ng mga empleyado.

Mayroon ding isa pang armadong lalaki ang nasilbing lookout sa labas ng opisina.

Sa pag-imbestiga ng pulisya ay nakilala ng mga empleyado ang isa sa mga suspek na si Randy Nonog na residente ng Bulanao Norte Tabuk City.

Nanawagan naman ang pulisya sa mga nakakaalam kung saan nagtatago ang nasabing suspek maging ang mga kasama nito na ipagbigay alam sa mga kinauukulan upang madakip at panagutan ang kanilang ginawa.