--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng fracture sa braso ang isang manlalaro ng Javelin Throw sa nagpapatuloy na Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Rell Seran, atleta ng School’s Division Office (SDO) Isabela, sinabi niya na pagkabuhat niya sa javelin at akmang ibabato na ito ay may naramdaman siyang lumagutok sa kanyang braso.

Agad siyang umupo dahil naramdaman niya ang matinding sakit.

Agad namang sumaklolo ang medical team at isinugod siya sa pagamutan para malapatan ng lunas at nakita sa kanyang X-Ray na nagtamo siya ng fracture sa braso.

--Ads--

Ayon kay Seran, maaring nagkamali siya ng pagbitaw sa Javelin kaya nagtamo ng fracture ang kanyang braso.

Dahil dito ay hindi na siya makakapaglaro na kanyang ikinalungkot dahil mahigit isang buwan din siyang nagsanay para makapaglaro sa CAVRAA Meet.