--Ads--

Binomba ng Israel ang southern suburbs ng Beirut, Lebanon bilang bahagi ng susunod na yugto ng kanilang military campaign sa ikapitong araw ng digmaan sa Middle East.

Naglabas muna ng evacuation warning ang Israeli military bago ang pag-atake kaya nagkaroon ng panic at matinding trapiko habang nagmamadaling lumikas ang mga residente.

Sumiklab ang tensyon matapos umatake ang Hezbollah bilang ganti sa pagkamatay ng Iranian supreme leader na si Ali Khamenei.

Ayon sa mga awtoridad sa Lebanon, 123 katao na ang nasawi, 683 ang nasugatan at mahigit 90,000 ang lumikas mula nang magsimula ang labanan.

--Ads--

Lumawak din ang tensyon sa Gulf region matapos maitala ang missile at drone attacks sa Bahrain, Saudi Arabia at Qatar. May isang batang babae na nasawi sa Kuwait at anim na katao ang nasugatan sa Abu Dhabi dahil sa debris ng drone.

Samantala, nagpadala ng dalawang military aircraft ang Australia sa rehiyon habang pinag-aaralan din ng Canada ang posibleng pagpapadala ng pwersa.

Ayon sa isang Iranian foundation, mahigit 1,200 katao na ang nasawi sa airstrike ng Estados Unidos at Israel, habang iniulat naman ng US military na anim sa kanilang tauhan ang nasawi mula nang magsimula ang digmaan.