--Ads--

Isang grupo ng Italian chefs ang nagsama-sama sa Chelsea Town Hall upang lutuin at buuin ang record-breaking tiramisu na may habang 1,445 talampakan.

Naroon ang isang Guinness World Records adjudicator upang kumpirmahin na nalampasan ng higanteng dessert ang dating rekord na 897 talampakan na ginawa sa Milan, Italy noong 2019.

Pinangunahan ni Mirko Ricci ang pagtatangka sa London. Si Ricci ay dating may hawak ng rekord noong 2017, bago ito maagaw ng Milan noong 2019.

Mga Sangkap ng Higanteng Tiramisu 2.2 tonelada ng mascarpone cheese, 50,000 piraso ng ladyfinger cookies at Higit sa 3,000 itlog

--Ads--

Ang tagumpay na ito ay muling nagpatunay sa kasikatan ng tiramisu bilang isa sa mga pinakakilalang Italian dessert sa buong mundo.