Patuloy pa rin namamasada ang ilang jeepney driver sa Santiago City sa kabila ng patuloy na paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo. Aminado sila na nananatiling mababa ang kanilang kita sa araw-araw.
Ayon kay Ginoong Marcelo Abon, hindi sapat ang kanilang kinikita upang matugunan ang mga gastusin tulad ng boundary, pagkain, at iba pang bayarin sa bahay. Dagdag pa niya, malaking epekto sa kanilang pasada ang pabago-bagong presyo ng gasolina at diesel.
Aniya, kahit may mga pagkakataong bumababa ang presyo ng langis, hindi pa rin ito sapat upang makabawi sa kita dahil limitado pa rin ang bilang ng pasahero at tuloy-tuloy ang mataas na gastusin sa pamamasada.Umaasa ang mga tsuper na makatutulong ang posibleng rollback sa presyo ng produktong petrolyo upang kahit paano ay gumaan ang kanilang araw-araw na gastusin. Patuloy din ang panawagan ng ilang transport groups sa pamahalaan para sa dagdag na ayuda at iba pang hakbang na makatutulong sa sektor ng transportasyon.











