--Ads--

Nais ng kaanak ni Ginang Erma Escalante na makipag-ugnayan sa kanila ang pamunuan ng cyclone Airways, ang may-ari ng bumagsak na Piper Plane.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Cynia Camiguing Cano kaanak ng biktima sinabi niya na bagamat masaya silang natagpuan na sa wakas ang labi nito ay nais nila na hindi lamang magtapos sa pagkakatagpo sa bangkay ni Ginang Escalante ang imbestigasyon sa bumagsak na Piper Plane.

Ngayon aniya ay nais nila na makipag ugnayan sa kanila ang may-ari ng Piper plane o ng Cyclone Airways dahil sa insidente lalo at tila nagkaroon ng pagkukulang mula nang sumakay sa eroplano ang biktima.

Kinukwestiyon ni Ginang Camiguing kung bakit biglang nagbago ang ruta ng eroplano at bakit iisang pasahero lamang ang kanilang pinasakay ng araw na iyon gayung marami namang pasahero na magtutungo sa Palanan na naghihintay ng biyahe.

--Ads--

Kwestyonable rin dahil umano sa masamang panahon subalit pinayagan na lumipad ang eroplano.