
CAUAYAN CITY – Aarangkada na ang Kadiwa ng Pangulo sa Isabela bukas, araw ng Lunes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OIC Provincial Director Elmer Agorto ng DTI Isabela sinabi niya na isasagawa ang Nationwide launching ng Kadiwa ng Pangulo sa araw ng Lunes o bukas sa Kapitolyo.
Aniya isa itong convergence program na may layuning matulungan ang mga magsasaka, at maliliit na negosyante na maibenta ang kanilang mga fresh produce na agri and processed products gayundin sa mga mamimili na mabigyan ng pagkakatong makapamili sa abot kayang presyo.
Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga mamimili na makabili ng Murang NFA at commercial rice subalit may limitasyon kung hanggang ilang kilo ang maaaring mabili ng isang indibiduwal.
Paliwanag ni OIC Provincial Director Agorto na bagsak presyo ang mga produktong mabibili sa Kadiwa ng Pangulo dahil direkta nila itong binibili sa mga magsasaka.
Bilang kabahagi ng naturang programa katuwang ng Kagawaran ng Pagsasaka ay naatasan ang DTI na hikayatiin ang mga Micro Small and Medium Enterprises o MSME’s na magbenta ng kanilang mga raw products kung saan naadopt ang konsepto ng diskwento Caravan.
Inaasahang makikiisa sa Kadiwa program ang nasa dalawampu’t apat na MSME’s na magkakaroon ng kaniya-kanyang booth kung saan nila maaaring I-showcase ang kani-kanilang produkto.
Inimbitahan din ng DTI ang iba’t ibang whole seller at Distributors mula sa iba’t ibang mga munisipyo sa lalawigan.










