--Ads--

CAUAYAN CITY- Nararanasan ngayon sa Lungsod ng Cauayan ang kakulangan ng School Principal.

Ayon sa Department of Education, umabot na sa 24,000 na public schools sa bansa ang walang Principal kaya naapektuhan ang kalidad ng edukasyon sa mga paaralan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Cherry S. Ramos, Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan, sinabi niya na sa ngayon ay 20 na  pampublikong paaralan sa Lungsod ang walang School Principal.

Bagamat walang School Principal ay may mga Teacher in Charge o Head Teacher naman na sumusubaybay sa kalagayan ng paaralan ngunit iba pa rin aniya kung mayroong Principal ang isang paaralan dahil mas mapagtutuunan nito ng pansin ang improvement at concerns ng paaralan dahil hindi na ito magtuturo pa sa mga estudyante.

--Ads--

Ang mga Teacher-in-Charge kasi aniya ay mayroon pang hawak na mga subjects para turuan ang mga estudyante kaya  may posibilidad na mawalan sila ng oras o panahon na tutukan naman ang ibang bagay na makakapagpabuti sa paaralan.

Dahil dito ay minamadali umano ng  DepEd Cauayan na magkaroon ng principal ang 20 mga paaralan.

May mga nag-apply naman aniya para sa posisyon ng Principal ngunit nananatili pa ring nasa reclassification stage ang mga ito.