--Ads--

Kinuwestiyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagkakaiba sa datos ng Anti-Money Laundering Council o AMLC hinggil sa covered at suspicious bank transactions na iniugnay sa kanya at sa kanyang asawang si Manases Carpio.

Sa ika-33 araw ng impeachment trial, sinabi ng AMLC na umabot sa ₱4.4 bilyon ang covered at suspicious transactions sa mga bank account ng mag-asawa.

Mas mababa ito sa ₱6.7 bilyong halagang inilahad ng AMLC sa naunang pagdinig ng House Committee on Justice noong Abril 22.

Ayon kay VP Sara spokesperson Paolo Panelo, nagkaroon umano ng system error sa isang transaksyon ng Bank of the Philippine Islands o BPI, kung saan ang ₱2 milyon ay nai-report umano bilang mahigit ₱2 bilyon, dahilan upang lumobo ang kabuuang halaga sa ₱6.7 bilyon.

--Ads--

Giit ni Panelo, ipinapakita umano nito na kailangang beripikahin at alamin ang konteksto ng raw data ng AMLC bago ito ilahad bilang ebidensiya.

Sa ₱4.4 bilyong datos na iniharap sa impeachment trial, sinabi ng AMLC na ₱1.63 bilyon ang inflows, ₱1.3 bilyon ang outflows at ₱1.4 bilyon naman ang hindi pa matukoy kung inflows o outflows.