--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa bayan ng San Mateo, Isabela.

Ang nahuli ay si Angelo Umali, tatlumput apat na taong gulang at residente ng Brgy. 4, San Mateo, Isabela.

Nabili sa kanya ng pulis na nagpanggap na buyer ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman na nasagkot na din sa iligal na droga ang lalaki noong 2016.

--Ads--

Ayon sa mga pulis isa umanong runner ang lalaki o taga-abot ng iligal na droga sa mga bumibiling drug personality sa Brgy. 4.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng San Mateo Police Station ang lalaki at siya ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.