--Ads--

CAUAYAN CITY – Nabisto ang isang lalake na nangongolekta at nagnanakaw ng mga damit panloob ng mga babaeng kapitbahay sa Barangay District 1, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Esteban Uy sinabi niya na naaresto ang isang lalake mula sa kanilang barangay matapos na mabistong nagnanakaw ng mga underwear ng mga babaeng kapit bahay at itinatago ito sa loob ng kaniyang bahay.

Batay sa pagsisiyasat isinasagawa ng suspek ang pagnanakaw tuwing siya ay nalalasing.

Makikita sa isang video footage na umabot ng ilang sako ang nakolekta nitong underwear habang may ilan pang nakitang gamit sa kusina.

--Ads--

Mabait naman aniya ang pinaghihinalaan dahil wala naman silang naitalang record nito sa barangay  subalit nagnanakaw siya ng under wear kung lango sa alak.

Sa halip na sampahan ng kaso ay nakiusap ang isa sa kapatid nito na huwag na lamang sanang sampahan ng kaso dahil handa naman silang iuwi na lamang ang suspek sa kanilang bayan.