--Ads--

Matagumpay na natawid ng Polish ultra-endurance swimmer na si Bartłomiej Kubkowski ang Baltic Sea nang walang tigil, kaya siya ang kauna-unahang tao na nakalangoy mula Sweden patungong Poland nang hindi humihinto at hindi humahawak sa kanyang support boat.

Nilangoy niya ang mahigit 160 kilometro (99 milya) mula Kåseberga, Sweden, hanggang Dziwnów, Poland.

Inabot siya ng humigit-kumulang 56 oras upang matapos ang paglangoy nang walang tulog.

May kasamang support boat na nagbibigay sa kanya ng pagkain at inumin, ngunit ayon sa mga patakaran ng marathon swimming, hindi siya maaaring humawak dito.

--Ads--

Ang kanyang paglangoy ay nagsilbi rin bilang charity fundraiser, kung saan nakalikom siya ng mahigit 715,000 Polish złoty upang makatulong sa mga batang may Canser.