--Ads--

Inihayag ng Liga ng mga Barangay na makatutulong ang pagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa pagpapatuloy ng mga programang kanilang nasimulan para sa barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LNB Vice President Dante Halaman mula sa Echague, Isabela, sinabi nito na sa pamamagitan ng karagdagang dalawang taon ay maisasagawa nila ang mga bagay na nais pa nilang gawin para sa kanilang barangay Lalo na at napakarami umanong ongoing projects sa kanilang nasasakupan.

Aniya, nagagawa naman umano ng mga barangay officials sa lalawigan ng Isabela ang kanilang mga tungkulin sa tulong na rin ng suporta ng pamahalaang panlalawigan.

Bagama’t mayroong mangilan-ngilang mga opisyal ng barangay ang nakasuhan ng admistrative cases sa bansa, iginiit ni Halaman na dito sa Isabela ay wala naman umanong na-convict sa naturang kaso.

--Ads--