--Ads--

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 na nasa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon dos ang karapatan upang magtalaga ng mga daan kung saan maaring bumaybay ang mga Light Electric Vehicles (LEVs) habang wala pang pinal na direktiba nag central office hingiil sa pagbabawal nito sa lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Venancio Tuddao ang Public Information Officer ng LTO Region 2 sinabi niyang nananatili pa na hanggang ngayon ay nasa information drive pa lamang amg status ng mga ebike at etrike sa rehiyon.

Paglilinaw ni Tuddao, ang ginagawang aktibidad ng mga LTO sa lansangan ay bahagi ng kanilang regular na aktibidad at hindi upang huliin ang mga nagmamaneho ng LEVs.

Binanggit din nito na hanggang sa ngayon ay naghihintay pa rin ang kanilang hanay na ibababa ng central office.

--Ads--