--Ads--

Tinanggal na sa natitirang U.S. dates ng Loop Tour ni Ed Sheeran ang American rapper na si Macklemore matapos ang kanyang mga pahayag bilang suporta sa Palestine.

Kinumpirma mismo ni Macklemore ang kanyang pagtanggal sa tour matapos niyang sabihin ang “Free Palestine” sa kanyang mga pagtatanghal sa MetLife Stadium sa New Jersey.

Ayon sa tour promoter, ilang venue ang tumutol sa kanyang pagkakasama sa lineup at nagbabala umanong maaaring makansela ang mga concert kung mananatili siya.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Macklemore na hindi niya itinuturing na biktima ang sarili at iginiit na patuloy niyang susuportahan ang mga Palestinian sa gitna ng digmaan sa Gaza.

--Ads--

Samantala, itinanggi niyang ang kanyang mga pahayag laban sa Israel ay pag-atake sa mga Jewish people at sinabi niyang ang kanyang panawagan ay para sa kapayapaan, dignidad at pagkakapantay-pantay.