--Ads--

CAUAYAN CITY– Iniimbestigahan na ng Barangay Council ng Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya ang pagkamatay ng dalawang kabarangay dahil sa umanoy ininom na alak.

Namatay ang magkaibigang magsasaka na sina Arsenio Hermosura, 44 anyos at Eduardo Marzan, 26 anyos matapos inumin ang tirang alak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Kagawad Elmer Blance ng Lantap, Bagabag na habang nag-iinuman ang magkaibigan ay napansin ni Marzan na mapait ang lasa ng iniinom nilang anak ngunit inakala lamang nila na ito ay dahil sa kanilang pulutan na ampalaya.

Ipinagpatuloy ng dalawang biktima ang kanilang inuman hanggang magkasunod na natumba sina Marsan at Hermosura.

--Ads--

Dinala sa ospital ang mga biktima ngunit dead on arrival si Marzan at ilang minuto ay sumunod na namatay si Hermosora.

Sinabi ni Blance na may hinala na iba ang nadampot na ininom ng dalawa o kaya ay may naghalo ng lason sa ininom nilang alak.

Nagsasagawa sila ng imbestigasyon para malaman ang tunay na sanhi ng kamatayan ng dalawang kabarangay.
Top