--Ads--
Isang magnitude 5.4 na lindol ang naitala malapit sa bayan ng Sto. Domingo, Albay nitong Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ang lindol dakong alas-9:58 ng gabi at may lalim na 10 kilometro. Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.Balitang Pilipinas
Inaasahan naman ng ahensya ang posibilidad ng mga aftershock kasunod ng lindol. Nagbabala rin ito na maaaring magkaroon ng pinsala sa ilang lugar na naapektuhan ng pagyanig.
Patuloy pang mino-monitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon at hinihikayat ang publiko na manatiling alerto at sundin ang mga paalala ng mga lokal na awtoridad.
--Ads--











