--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang magsasaka matapos gahasain ang menor de edad na pamangkin sa Brgy. Comon, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Gladys Dupitas, Deputy Chief of Police ng Saguday Police Station, sinabi niya na dalawang beses umanong ginahasa ng akusado ang kaniyang menor de edad na pamangkin noong 2022 at nagtago sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Aminado naman aniya ang akusado sa kaniyang ginawa at hindi na nanlaban nang arestuhin ng PNP Saguday.

Ang akusado ay nasa kustodiya na ng Saguday Police Station para kaukulang disposiyon.

--Ads--

Isa naman sa nakikita nilang dahilan kung bakit may mga naitatalang kaso ng panggagahasa ay ang set-up ng ilang pamilya.

Dahil aniya sa kawalan ng privacy ay napagsasamantalahan ang ilang mga kababaihan.

Ayon kay Lt. Dupitas, may tinutukan pa silang isang kaso ng panggagahasa at pinaghahanap na ang pinaghihinalaan.