--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property ang driver ng isang Isuzu closed van na nakabangga ng isang motorsiklo sa Sta. Maria, Maddela, Quirino.

Ito ay nagdulot ang pagkamatay ng magsasaka na si Pedro Tamanya, 59 anyos habang malubhang nasugatan ang misis na si Letty Tamanya, 61 anyos at nakaligtas ang apo nila na si Maja Jane, 7 anyos, pawang residente ng Sta. Maria, Maddela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt Romeo Barnachea Jr., hepe ng Maddela Police Station na parehong papuntang bayan ng Maddela ang dalawang sasakyan nang kumaliwa ngunit biglang bumalik sa kanyang linya ang motorsiklo na minamaneho ni Tamanya kaya naabutan ito ng sumusunod na closed van.

Tumilapon ng ilang metro si Tamanya na dahilan para magtamo siya ng malalang sugat sa kanyang katawan.

--Ads--

Dinala siya ng mga tumugon na kasapi ng Quirino Provincial Mobile Force Company (QPMFC) sa Maddela District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang tsuper ng closed van na si Rowel Matalang, 39 anyos, residente ng Nabbotuan, Solana, Cagayan ay nasa kustodiya ng Maddela Police Station.

Ang tinig ni PCapt Romeo Barnachea Jr.