--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinadalhan na ng sulat ng Commission on Elections Cauayan City ang mahigit pitong libong tao na hindi nakaboto ng dalawang beses sa mga nakaraang halalan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Christopher Thiam, City Election Officer IV, sinabi niya na mahigit pitong libo ang hindi aktibong botante sa lungsod at sa tulong ng mga opisyal ng Barangay ay naipaaabot na ang sulat.

Aniya, lumalabas sa kanilang survey na sa mahigit pitong libong sinulatan nila ay may mga pumanaw na habang ang ilan naman ay nasa ibang lugar o ibang bansa.

May mga nagtungo na rin sa kanilang opisina upang magpareactivate at muling makaboto sa susunod na eleksyon.

--Ads--

Samantala hinikayat ni Atty. Thiam ang mga residente sa lungsod ng Cauayan na hindi pa rehistrado o hindi na aktibo na magtungo sa SM Cauayan sa ika-siyam ng Abril dahil may gaganaping Satellite registration.

Ang mga natanggal sa listahan ang pangalan ay pwede na silang magtungo sa opisina o sa mga satellite areas simula sa ikalabinlima ng Abril.